It was the best day
And it was the worst day
I fell for you
Unknowingly
I can’t explain it
This feeling was good
But it was not great
Unknowingly
I was not expecting this
But you came
You conquered my emotions
Unknowingly
We had a good time spent together
I dared got crazy over you
Did you feel that way too?
Unknowingly
Now am asking if this is good
I don't know if I should ask you
Yet I hope you be more open
So I could be in tune again…
Friday, March 26, 2004
Sunday, March 07, 2004
SERYENG TAGALOG (The Tagalog Series)
TADHANA
Isang araw na lang nagising ka, iba ang pakiramdam mo. Isang pagkakataon ang di mo inaasahang darating sa iyong buhay. Malungkot ka, galing ka sa isang masalimuot na bahagi ng iyong buhay.
Ngunit sa kabilang banda, sa isang di naman kalayuang nakaraan. Gawa ng isang gawaing inakala mong mali ay mabubuhay ang usbong ng tadhana. Sa iyong pagyao sa hinaharap ay may mga epektong magaganap na nakaayon sa ginawa mo mula sa di kalayuang nakaraan.
Lahat tayo sa ating mahal na buhay ay dumaan sa mga karanasan, pangit o maganda man. Lahat ay nag-iwan ng isang marka na tanging ikaw lang ang makakapagsabi kung ito’y pawang ayon sa iyong kagustuhan o hindi.
Tanda ko, sa aking buhay mga ilang taon na ang dumaraan. Mga halos mag-aapat na taon na kung aking bibilanging talaga may nakilala akong tao na naging bahagi ng buhay ko.
Wala ako sa kapangyarihan para ihayag ko ang lahat subalit ito’y ayon lamang sa aking gagawing paglalahad.
Minsan sa buhay natin ay dumadaan tayo sa bahaging may hinahanap-hanap tayo at gustong patunayan sa sarili. Sa di inaasahang pagkakataon ay nahahanap natin ang sagot sa mga nakakasalamuha, nakikilala at nakikita natin sa ating paligid.
Ang aking naging karanasan sa taong ito. Ang aking naging relasyon sa taong ito ay masasabing isang mabilisan, hindi inaasahan. Gayunpaman, sa buhay minsan lang tayo makakatagpo ng tao na may iiwang marka sa iyo, sa iyong sariling pagkatao. At pakiwari mo ba’y nasa kanya ang mga tanong na bumabagabag sa iyo. Hindi ba tama?
Minsan ang taong hindi mo inaaakalang siya palang magbibigay ng malaking impluwensya o epekto sa iyo ang siyang dumadating. Masasabi ko ganito ang nangyari sa akin. Pero sadyang malupit ang pagkakataon, sapagkat hindi lahat ng nais mo ay ibinibigay niya. Sa madaling salita, siya na naging espesyal sa buhay ko ay nawala, umalis, nagpakalayo-layo.
Wala kaming pormal na sistema kung iisipin pero ako ay marahil umaasa na mapagwagian ko ang simpatya at tiwala niya. Bagay na sa aking pakiwari ay nagawa ko naman. Subalit sadyang para sa kanya noong mga panahong iyon ay tila marahil ako’y hangin lang na dumaan sa kanyang buhay.
Subalit ang hangin pala ay bumabalik, umiikot lang.
Minsan sa isang araw ng aking buhay bumalik ang pagkakataon. Nagkita kami. Akala ko nga ay limot niya na ako. Akala ko nga hinde na niya ako mapapansin pa. Pinutol ko na din kasi ang tanging naging ugnayan naming sa loob ng halos apat na taon ng buhay ko, ang cell phone number kong luma. Nang magpalit ako ng numero ay hindi na ako nag-abala pang ipabatid sa kanya na may bagong numero na ako. Bakit? Ito’y sa kadahilanang dumating ako sa punto sa loob ng 4 na taong dumaan na nabatid kong hinde siya ganoong naging ka-interesado sa akin upang maging seryoso or sadyang kahit maging magkaibigan lang kami.
Sa loob ng apat na taon maraming nangyari sa buhay naming dalawa. Namuhay ng hiwalay at nagkaroon ng iba-ibang pinagkakaabalahan kumbaga. Hanggang dumating ang araw na muli, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkaroon kami ng pagkakataong magkausap na muli.
Ang pag-uusap ay sadyang biglaan at wala sa hinagap namin. Lungkot? Pangungulila? Paghahanap ng kausap? Kasabikan? Ilan lamang marahil sa mga dahilang maaaring ikabit sa aming muling pagkikita. Hindi na naman pinag-usapan kung ano nga bang nagtulak sa amin sa isa’t –isa para muling magkita.
Ang alam ko, nagkasundo kaming magkikita. Mahabang kwentuhan, pagbabalik sa nakaraan, pag-iisip sa kasalukuyan, intelektuwal na usapan hanggang sa isang pisikal na koneksyon. Lahat ng iyan, naulit, nangyari pero sa pagkakataong ito alam ko mas kapana-panabik. At sa pagkakataong ito higit naming kilala kahit paano ang ugali ng isa’t-isa.
Mabait siya at masarap kausap, matalino at matapang humarap sa buhay. Bilib nga ako sa kanya, isa siyang halimbawa para sa akin. Hindi ko nga lang nasabi sa kanya ito ng harapan. Sa kung anong dahilan, kahit pa kami ay magkakilala na ng matagal ay marami pa ding hindi nasasagot na tanong.
Sa buhay ko ngayon, masasabi kong nanatili siya sa akin. Sabi niya ako din daw naman sa kanya, pero duwag akong alamin kung anong antas. SA akin, alam kong minsan sa nagdaan panahon napag-isipan kong maaaring siya at kung hinde man ay karapat-dapat itago bilang isang matalik na kaibigan.
Natapos ang araw na aming muli pagkikita at pagsasama. Marahil sa ilang buwang nakalipas ng buhay kong magulo, nakaramdam ako muli ng seguridad at di ko naiwasang muling mag-isip kung pede ko bang ibukas ang pagkakataon ito. Sa isang relasyon. Handa na ba ako? Kung hinde man sa kanya ay sa iba?
Hindi namin pinag-usapan ito. Walang pangako, walang garantiya kung kelan muli at kung paano nga ba kami. Hindi din kasi ako matapang, at siya marahil ay hinde ang tipong mauunang magsalita, o kaya sadyang para sa kanya ay hanggang ditto na lang muna.
Isang simpleng hiling lang ang aking nasabi sa kanya, “…You told me kanina na di ka na gaya ng dati. Sana nga true..Di ko alam what brought us back last night. But am sure am glad to reconnect with you. Here’s hoping you will never walk far away like you did before...”
Isang simpleng tugon lang ang aking natanggap, “Don’t worry I won’t.” Sapat na marahil para mapanatag akong di na kami magkakalimutan ng sobrang kaytagal.
Tadhana ang nagsabi marahil at karanasan ang bumuhay at pagkakataon ang nagpatibay. Lahat tayo ay mga butil ng buhangin sa dagat na inaanod ng tubig , dumadanas ng buhay at sa bawat ginawa natin ang tadhana ay nakaguhit sa isang maayos na pagkakatahi ng buhay. Gaya niya at ako, nagsalubong ang landas, nagkalayo, at muling nagkita.
Tadhana kaya ang nagsabi?

Subscribe to:
Posts (Atom)