Kamakailan lamang ay napanuod ko ang pelikulang "He's Just Not That Into You". Isa sa mga naging paksa doon ang "online" meet up and dating. Isa sa mga naging argumento ng paksang iyon ay ang kawalan ng "personal touch" ng online dating. Isa sa naging punto dun ang personal way of knowing someone.
Napaisip ako dahil may katotohanan naman na ang pakikisalamuha sa online.ay tila baga isang combination lang ng "1" at "0" sa kodigo ng binary - ang mga bumubuo sa lenggwahe ng kompyuter. May katuturan pa nga ba ang pagkakaroon ng kakilala sa pamamagitan ng online or chat kesa sa pamamagitan ng mga kaibigan, kaopisina, ka-church, kaklase, or sa ilang salu-salo gaya ng birthday or reunion ang pagkakataon ng makakilala ng isang tao mula sa mga okasyong ito. Himayin natin!
Nitong mga huling pagkakataon sa aking buhay, mas naging madali para sa akin ang komonekta sa online channel, maging sa isang seryoso or hinde seryosong aspeto ng pagkikilanlan. Sa online kung di ka seryoso, pede kang magtago sa ibang personalidad. Minsan kaya mo itong gawin dahil nararamdaman mo ang kausap mo sa kabila ay hinde din naman tapat sa kanyang pakiki-ugnay sa iyo. Sa online pede ka din maging totoo pero mas maraming tao sa online ay hinde tunay ang hangarin. Mararamdaman mo din naman kasi may mga signals wika nga.
Pero bakit nga ba malakas ang pang-akit ng online connection kesa sa harapang usapan or pakikipagkilala? Iniisip ko ayon na din sa aking karanasan, marami pa din ang takot talaga na maging tapat at totoo sa kanilang hangarin sa isang tao sa aspeto ng harapang usapan. Sa aking karanasan, mas madaling kumausap ng isang estranghero at magsabi ng "HELLO" sa online channel dahil kung di ka man sagutin pabalik ay hinde mo ito pepersonalin. Ang dating nito sa iyo ay balewala lang unless gustong-gusto mo talaga yung kausap mo sa kabila pero hindi ka pinapansin. Ibang usapan na yon wika nga. Ganon kadalasan ang resulta ng pakikipag-usap sa online. Bibihira ang nakilala ko online at naging kaibigan ko sa katagalan. Mabibilang ko lang siguro sa aking daliri ang totoo at nanatiling tapat sa paglipas ng panahon.
Tinatanon mo naman ano na naman ang punto ko!? Well, naisip ko lang sana mas maraming tao ang matino sa online. Sayang ang teknolohiya ng online chatting, online dating kung mahigit sa 90 porsyento dito ay walang katuturan ang layunin! Ako man ay salarin dahil minsan hinde ako nagiging totoo sa mga kausap ko online bagkus ay nasa isip ko na panandalian lang naman ang lahat ng iyon kung kaya bakit ko naman kailangan magpakatotoo. Medyo personal na dahilan na din para sa akin, parang nawalan na din ako ng tiwala sa buong sistema ng online connection, mas malala pa nga ito sa sistema ng usual na socialization or yung harapang pakikisalamuha or sabihin na nating "offline" connection. Ang nanatiling totoo na lang sa aspeto ng online connection ay ang mga lumang kaibigan at kapamilya. Siguro sila na yung nasa 10 porsyento ng kabuuan ng mga totoo. Pero minsan din naman kaibigan mo na at kapamilya ay hinde pa din totoo sa iyo.
Siguro nga sa online maaari kang maging kahit sino, pede kang maging ibang tao. Kasi nga walang personal touch. Nawalan na ng puso wika nga. Nawalan na ng totoong kabuluhan sabi nga. Sa online naging napakadali ng bawat salita, gawa at emosyon na pinapakita natin sa ating kausap, maging silang matagal ng kakilala or bago pa lamang. Iyan ang naging downside ng online connection. Sabi ko nga nawalan na ng sariling haplos!
Naku ewan ko kung naiintindihan niyo ang point ko. Pero kung marunong kang magbasa at mag-isip alam mo may punto ako sa maikling panulat na 'to. Yun na! Nandito na ang aking inaantok na diwa. Matutulog na muna ako. Mag-isip ka muna ayon sa sanaysay na 'to, oks!?
!$#!$!%!$$^!%!#$!##!$!$% MAKE SENSE NA?!