Sa muling pagkakataon naisipan kong buhayin ang seryeng Tagalog ko sa "blog". Ginawa ko na ito dati pa sa unang blogsite ko at ngayon nga ay aking susubukang gawin muli dito.
Sa loob ng isang buwan matapos ang araw ng mga puso, naging abala ako sa trabaho. Bukod doon ay ang aking nakasanayan ng gawain na pumunta ng gym para makapaglabas ng stress at kasabay na nito ang pagpapaganda sa aking katawan at mapanatili kong maayos ito kahit di naman talaga pumuputok sa muscle ang katawan ko.
Kaalinsabay ng trabaho at gym ang pagpaplano ko sana na mag out of town noong Feb 29-Mar 3. Hinde natuloy ang tangkang pagpunta ko sa Boracay kasama si Gerard na kaopisina ko. Maraming mga balakid sa plano na ang pinakahinatnan ay ang pagtunaw ng plano kaya di kami natuloy. Siyempre nauwi sa back up plan na mag-Batangas na lang din. Pero ito man ay hinde umusad.
Nakuntento ang sarili ko sa pagpirmi sa aking condo. Bukod doon ay nagpunta ako sa isa sa mga kilalang Chinese Astrologer na si Master Chao at nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ko ang aking kapalaran gamit ang lumang sistema ng astrolohiya ng mga Tsino. Gayon din naman, ako ay nagpunta sa Spa para magamit ko ang nabili kong Spa package. Naisip ko okey na din naman na 'di ako natuloy sa Boracay at Batangas. Marami din akong nagawa dito sa loob ng limang araw na bakasyon kong iyon.
Sa loob ng isang buwan, nagkaroon ako ng oras para manuod ng pelikula nila Maria at Dingdong, Toni at Sam at ng kung ano ano pang pelikula na lumabas sa sine at sa dvd. Nagtangka akong gumawa ng review noong nakaraang 2 linggo pero nagloloko itong multiply blog ko at 'di nailathala dito sa online ang review ko. Sayang! Tanda ko pa, inis na inis ako nung hinde na-save yong sinulat ko. Tang ina!
No comments:
Post a Comment