Ang pelikulang “Beastly” para sa kaalaman ng ilan ay hango sa isang nobela na isinulat ni Alex Flinn. Ito ay isang makabagong pagkwekwento ng paborito nating klasikong istorya ang “Beauty and the Beast”.
Para bigyan ko ng kaunting pagbubuod ang nagbabasa nito, ito ang isang bahagi ng nakuha kong synopsis mula sa Internet:
“Beastly is a 2011 romantic fantasy film based on Alex Flinn's 2007 novel of the same name.[4] It is a retelling of the fairytale Beauty and the Beast set in modern-day New York City. The film is written and directed by Daniel Barnz[5] and stars Vanessa Hudgens and Alex Pettyfer.
The plot focuses on Kyle Kingson, a wealthy and arrogant high school student. During an environmental event, he disrespects a classmate, who is secretly a witch in disguise. The witch then casts a spell on Kyle to disfigure his body and face, giving him a year to find love or be left with his monstrous appearance forever.”
Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Beastly_(film)
Sa aking pagsasaisip
Isang punto ng pelikula na nakapagbigay sa akin ng matinding paksa ay kung paano ang isang tao ay nagiging totoo sa kanyang sarili at sa taong nakapaligid sa kanya. Ang pelikula ay isang love story sa kabuuan.
Para sa akin na patuloy pa din na humahanap ng kasagutan kung kailan, paano, kung saan at sino ang magiging kaibigan at ka-partner ko sa buhay. Hinde ko maiwasan isipin na sa lahat ng nagdaan kong relasyon lalo na ng huling 2 taon, medyo hinde ko pa masabing nagkaroon ako ng matinding pakiramdam para maging totoo sa taong nagustuhan ko.
Hinto muna
Ay hinde pala, may isa palang tao na naging totoo ako pero gaya ng ilang mabubuting bagay hinde pa din ito nagtagal. Isang bagay na marahil ay dala ko pa sa puso't isip ko at di pa talaga lubusang nabubura ang ukit sa isip.
Balik sa paksa
Gaya ng bidang lalake sa pelikula, dahil sa may itinatago siyang pakiramdam sa bidang babae hinde nya agad natagpuan ang sagot sa tanong kung kaya ba siyang magustuhan at mahalin ng huli sa kabila ng kapintasan at pagkukulang niyang pisikal.
Ang kagandahan ng isang tao ay hinde lamang sa pisikal na aspeto pero sa kung anong nasa puso nito at anong kahulagan (worth) ang alay nya sa taong gusto nya. Ito ay isa sa mga aral na nakuha ko sa pelikula.
Sa puntong ito, naisip ko kung anuman pagkukulang ko na hinde ko pa kayang ihayag o ibahagi dahil sa takot, dapat ko na siguro simulan na makita kung paano ang magiging pagtanggap ng ilan. Ang lakas ng loob ang isang bagay na dapat kong matutunan at sa pamamagitan nito ay maipakita kong handa ako at seryoso. Na gaya ng marami, ay handa akong ibahagi ang aking sarili ng higit lamang sa isang pagkatataon o pagniniig ng sari-sarili.
Ang pelikulang “Beastly” ay isang kwentong walang hangganan ang dulot na aral sa lahat ng naghahanap ng kasagutan sa aspeto ng kanilang buhay pag-ibig.
Kung iisipin ay perpekto ang paksa nito at hatid na turo para sa akin lalo pa’t may ilang tao din akong nakilala lately na sa tingin ko ay “worthy of me”. Ang tanong ko ngayon, sa tingin kaya nila ay “I’m worth their while.”
Throwing my white rose to whoever thinks I'm worth their while against all odds.
No comments:
Post a Comment