Monday, July 22, 2013

Relasyon Uno oh Uno




Mahirap ang relasyon kung sa simula ay may nasirang tiwala. Kung mahal mo ang isang tao, sabi nila handa kang bigyan ng pagkakataon ang anumang nasimulan ninyo basta pareho kayong nasa tamang isip at pagkakasundo.

Hindi perpekto ang relasyon , ‘yan ay isang katotohanang alam nating lahat. Just like any other things in this world , nobody and nothing is perfect so it takes a great deal of readiness, maturity and strength to withstand anything that may hinder the experience and things.

Ang pakikipagrelasyon ay talagang mahirap lalo na nga’t naging simula nito ay di maayos. Kung nagdesisyon kayong ituloy ito dahil sinasabi nyong gusto nyo itong ituloy at dahil alam niyo na ang pagmamahalan ninyo sa isa’t-isa ay malakas at wagas, then nothing really should stand in the way or if there is any, then you can combat it along the way.

Nakakapagod ang pakikipag-relasyon, para itong trabaho na kailangan laging may “status check”, may constant review of what’s being done right or otherwise, checkpoint on each other’s behavior and attitude as individuals and as partners in a relationship.  Sa lahat ng mga bagay na yan palagi kong sinasabi na isang malaking factor ang pagiging handa mo para magampanan mong mabuti ang role mo sa relationship. Bukod sa love mo sa iyong partner (gf, bf, ka-MU) talagang dapat alam mong may bahagi ng buong proseso na “You want it to work and be nurtured!”.

Pero paano nga ba gagawin ang lahat ng ito, ang alam mong mahal mo yung partner mo, ang alam mong gusto mo itong mag-work, ang alam mo at sigurado kang nais mo itong maging isang huwarang relasyon kahit pa medyo roller-coaster experience ito?  Hindi ko din alam ang sagot sa totoo lang. Kasi sa dami ng pedeng scenarios or pagsubok sa aspetong ito, hindi ko alam kung aling tamang formula talaga ang nagwowork. 

Ang alam ko lang masarap maging “in a relationship” sa kabila ng mga pangit at magagandang karanasan na pede ninyong masalubong sa inyong “journey together”.

I guess, what I can say is, it’s not a perfect ride but it’s a colorful experience. And yes, it’s true that TIME/PERFECT TIMING will be a factor for your relationship because it will be a test of time that will also strengthen your bond together. For some, may mga pagkakataong bumitaw na sila agad sa relasyon at pagkatapos noon ay hindi na muling sumugal dahil natakot. For some again, may mga iniwan dahil nagsawa ang kabila sa mga kahinaan ng kanyang partner at dahil duon naging dulot sa kabila ang maging “jaded”.   So, I think TIMING is a factor and of course yung DEDICATION and PATIENCE that goes with it. 

In reality, mas mahirap gawin yun, kasi lahat tayo ay TAO lamang , may kanya-kanya tayong topak at concerns na minsan bumubulag sa tamang judgement natin.  Pero siguro kung AWARE tayo about our weaknesses and we are amenable to that, it gives us an EDGE to win this love war. 

Again, I'm not an authority but all these tender ideas may be applicable in one way or the other! After all, "All is fair in love and war," as the saying goes!!!


No comments: