Saturday, June 30, 2012
Defy some demons
Saturday, June 02, 2012
In my arms is an angel
I met baby Nathaniel (not his real name) in an orphanage just recently when I joined charity project in Manila. This is the first time I've joined an actual social work. I've donated and joined walks for other charity initiatives before (AIDS/HIV walk, MS Society, Initiative projects for Kids in Distress etc.) but this one recent visit to "Home for the Angels" is really special to my heart.
When I was in the US, my ex had 3 adopted kids whom I had a chance to bond with - David, the eldest was in his early college, while Joshua and Yullian are toddlers, aged 4 and 3, respectively. Though those kids are not blood related to my partner at that time, I saw the love, care and respect they've shared together. I too, became really close in that span of time that I've met them. Up until now, even when I am back here in Manila, I keep in touch with them.
The value of helping kids like them is a rare opportunity. Most of us do not realize that it is not them that we're helping but rather it's the other way around. Or maybe say that it's mutual benefit in the long run.
Baby Nathaniel is just one of the baby I've met at Home for the Angels. In that short time, I said to myself that I should really do this more often & maybe influence my other friends to do the same. In my lifestyle, it may be limiting and some would question am I capable? I would answer and say, what about you? Have you done something to lift a finger and help and become part of other people's lives who maybe needing your help no matter what your status or standing in life?
To those who maybe reading this short and sweet expression, who would be interested to volunteer at Home for the Angels you can contact me directly and I can provide more information to you.
Have a good one!
Thursday, May 31, 2012
Falling for someone and knowing that you are starting to care

Sunday, May 01, 2011
No one is courageous enough these days
I respect the reasons behind all these, as I am also in the same process of making myself fully available to anyone who may offer their sincerest self, love and companionship.
However, at this juncture, I again begin to question the sincerity of anyone who would claim they are looking for something serious and meaningful in the aspect of the elusive romantic relationship. So, why on Earth do we still end up indirectly hurting each other in this selection process? So, why on Earth do we not seem to take the time to really be worth the while of anyone's life?!? Think! Don't just read. Think!!?
Call me ideal! But I guess my point is, if we all say we want something with someone in the long run, don't we owe it to ourselves to give it a chance. And what is this blah blah blah about not being able to get in a relationship because blah blah blah..!? How lame or stupid can anyone get if he/she believes otherwise on something he/she thought she wants in his/her life!?
I guess, the reason why most people nowadays end up not being with someone is because we all thought we like to be in the company of someone for a serious romantic relationship. But in the end, we do not even have the greatest courage to step forward and see if that someone is worthy of our own space and time.
There are many things on this world which I can't fully explain. But this doesn't mean, we need to stop... Call me ideal! Maybe I am. And maybe I am a fool as well... thinking I could ever let myself love again but perhaps not really.. not this time.. not anytime! :(
On that note, do I want to go back to the old ways of hooking up, playing around and nothing more?! Maybe not...I'm tired of that cycle as well. I should just go to the convent and be priest!
Just now......sad now. :(
This shall pass. I know.
Happy birthday kambal!
Sunday, April 24, 2011
Beastly
Ang pelikulang “Beastly” para sa kaalaman ng ilan ay hango sa isang nobela na isinulat ni Alex Flinn. Ito ay isang makabagong pagkwekwento ng paborito nating klasikong istorya ang “Beauty and the Beast”.
Para bigyan ko ng kaunting pagbubuod ang nagbabasa nito, ito ang isang bahagi ng nakuha kong synopsis mula sa Internet:
“Beastly is a 2011 romantic fantasy film based on Alex Flinn's 2007 novel of the same name.[4] It is a retelling of the fairytale Beauty and the Beast set in modern-day New York City. The film is written and directed by Daniel Barnz[5] and stars Vanessa Hudgens and Alex Pettyfer.
The plot focuses on Kyle Kingson, a wealthy and arrogant high school student. During an environmental event, he disrespects a classmate, who is secretly a witch in disguise. The witch then casts a spell on Kyle to disfigure his body and face, giving him a year to find love or be left with his monstrous appearance forever.”
Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Beastly_(film)
Sa aking pagsasaisip
Isang punto ng pelikula na nakapagbigay sa akin ng matinding paksa ay kung paano ang isang tao ay nagiging totoo sa kanyang sarili at sa taong nakapaligid sa kanya. Ang pelikula ay isang love story sa kabuuan.
Para sa akin na patuloy pa din na humahanap ng kasagutan kung kailan, paano, kung saan at sino ang magiging kaibigan at ka-partner ko sa buhay. Hinde ko maiwasan isipin na sa lahat ng nagdaan kong relasyon lalo na ng huling 2 taon, medyo hinde ko pa masabing nagkaroon ako ng matinding pakiramdam para maging totoo sa taong nagustuhan ko.
Hinto muna
Ay hinde pala, may isa palang tao na naging totoo ako pero gaya ng ilang mabubuting bagay hinde pa din ito nagtagal. Isang bagay na marahil ay dala ko pa sa puso't isip ko at di pa talaga lubusang nabubura ang ukit sa isip.
Balik sa paksa
Gaya ng bidang lalake sa pelikula, dahil sa may itinatago siyang pakiramdam sa bidang babae hinde nya agad natagpuan ang sagot sa tanong kung kaya ba siyang magustuhan at mahalin ng huli sa kabila ng kapintasan at pagkukulang niyang pisikal.
Ang kagandahan ng isang tao ay hinde lamang sa pisikal na aspeto pero sa kung anong nasa puso nito at anong kahulagan (worth) ang alay nya sa taong gusto nya. Ito ay isa sa mga aral na nakuha ko sa pelikula.
Sa puntong ito, naisip ko kung anuman pagkukulang ko na hinde ko pa kayang ihayag o ibahagi dahil sa takot, dapat ko na siguro simulan na makita kung paano ang magiging pagtanggap ng ilan. Ang lakas ng loob ang isang bagay na dapat kong matutunan at sa pamamagitan nito ay maipakita kong handa ako at seryoso. Na gaya ng marami, ay handa akong ibahagi ang aking sarili ng higit lamang sa isang pagkatataon o pagniniig ng sari-sarili.
Ang pelikulang “Beastly” ay isang kwentong walang hangganan ang dulot na aral sa lahat ng naghahanap ng kasagutan sa aspeto ng kanilang buhay pag-ibig.
Kung iisipin ay perpekto ang paksa nito at hatid na turo para sa akin lalo pa’t may ilang tao din akong nakilala lately na sa tingin ko ay “worthy of me”. Ang tanong ko ngayon, sa tingin kaya nila ay “I’m worth their while.”
Throwing my white rose to whoever thinks I'm worth their while against all odds.
Wednesday, April 20, 2011
I WRITE AGAIN: SERYENG TAGALOG: Make sense na?!
Sunday, April 17, 2011
Summer is hot and so is my love search (once again)
Tuesday, March 24, 2009
Nobody! Nobody but you! Damn!
I want nobody, nobody but you! Nobody! Nobody but you!
Credits to teamkoshi of Youtube
This is so cool and can't grow tired to the beat! SUPER! "Nobody, nobody but you!" TADA TADA TADA TADA TADA
Sunday, March 22, 2009
Headache
So much is going on and the only way to caught up with all these is to stay focus, try to be jolly amidst some uncertainty. Time flies so fast and I can't let these hamper me now.
My headache like all other past headache shall expire and it will only prove that I will live to see the day when I dreamed that I will be better and far more inspiring and a source of muse for everyone.
Tuesday, March 17, 2009
SERYENG TAGALOG: Kailan Ka Darating
Kung minsan, sa kabila ng aking nakasanayang pag-iisa ay di ko pa din maiwasan na isipin kung kailan nga ba darating ang isang tao na magiging kasama ko? Isang mahalagang tao na magiging katuwang, kaibigan at kakampi sa lahat ng mga pagsubok ng buhay.
Maaaring malakas ako ngayon at nagagawang humarap sa anumang ipataw ng kapalaran. Pero nakakapagod din isipin na sa aspeto ng pagkakaroon ng tunay at wagas na mahal ay wala pa din akong kaukulang tagumpay.
Sabi ng ilang kaibigan ko, bilib sila sa akin dahil kaya kong mag-isa at aliwin ang aking sarili. Sa katunayan, ang pag-iisa ko ay naghatid nga sa akin ng di mapapantayang kalayaan at tuwa ngunit gaya ng buhay ay hinde ito isang perpektong aspeto. Totoo nga naman na sanay akong mag-isa at kahit kailan ay di ko inisip na kawalan sa aking sarili ang 'di pagkakaroon ng isang kasama o minamahal dahil napuno ito ng mga kaibigan at kapamilya. Ngunit ang lahat ay umaasa na magkaroon pa din ako ng kasama. Sa puntong ito, iniisip ko nga kung kailan ka nga kaya darating at may pag-asa pa ba?
Natakot na nga ba akong magtiwala, magmahal at magbigay ng pagkakataon sa iba? At sa puntong ito ng buhay ko na humaharap na naman ako sa isang pagsubok, mas lalo ko nga bang isinara ang pintuan ng aking puso sa pangambang sa bandang huli ay maiiwan pa din ako? Marami akong tanong ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tanong kung kailan ka darating?
Sa pag-awit ng mga katagang, "Marahil ay nariyan ka lang sa aking tabi ngunit di ko alam, Sana ay malapit ka pagka't ako ngayo'y nag-iisa.", ang tanging naaalala ko sa aking isipan ay ang iyong larawan o imahe. Kasabay nito ay ang maaaring maging katuparan ng pagdating mo sa aking buhay. Ang katuparang ito na ang magiging hatid ay kasiyahan at kagalingan lang sa aking pusong matagal ng tumitibok dahil kailangan ngunit walang dahilan.
Sa kabila ng pangamba ay ang pangarap kong makasama ka balang araw. Kung kailan, kung paano, at kung saan, ang tanging dasal ko ay maging katuparan ito sa hiling ng isang puso at kaisipan na malakas pa din ang paniniwalang kaya niyang magmahal at mahalin ng iba hinde dahil sa kung anong meron siya ngayon bagkus ay sa kung anong meron sa kanyang buong pagkatao higit pa sa anumang materyal na bagay sa mundo.
Tuesday, March 03, 2009
The Real Life (and being political) - Us living with HIV, like it or not
Browsing the internet and looking for different topics and information available in the cyberspace had been one of my favorite pasttime while onshore.
While browsing through the website called positivism.ph, I recently came across this video clip about Shola De Luna, a Filipino icon of late 80s and early 90s. She got diagnosed with HIV in 1994. Her inspiring video was shot to provide a venue for everyone to learn about HIV/AIDS. I thought it was brilliant in a way that she went out of her way to educate people by sharing her real life experience. She recalled her life, her ways, her living with HIV and continuously achieving her dreams and how she now inspire others to live and never lose hope. This is not your typical "Maalaala Mo Kaya" episode.
This definitely makes my list of "Maiba naman, 'ika nga!" - many of us are unaware of this disease so I thought it's one good way to make my site a channel for my multitude of Multipliers to learn and be informed about this human condition. Having HIV can make or break you and continuing to be uninformed will definitely break you. That's one inconvenient truth.
I am probably being "political" here all of a sudden. This is something to be "iba", be informed, be educated and something to stood up for. The fact is, we are living with HIV, like it or not. How do we deal with it? I guess, we just need to kill the negative behavior towards this disease and help raise awareness to stop the bad stigma.
Learn more and watch the video at: http://positivism.ph/
Monday, February 16, 2009
SERYENG TAGALOG: Make sense na?!
Kamakailan lamang ay napanuod ko ang pelikulang "He's Just Not That Into You". Isa sa mga naging paksa doon ang "online" meet up and dating. Isa sa mga naging argumento ng paksang iyon ay ang kawalan ng "personal touch" ng online dating. Isa sa naging punto dun ang personal way of knowing someone.
Napaisip ako dahil may katotohanan naman na ang pakikisalamuha sa online.ay tila baga isang combination lang ng "1" at "0" sa kodigo ng binary - ang mga bumubuo sa lenggwahe ng kompyuter. May katuturan pa nga ba ang pagkakaroon ng kakilala sa pamamagitan ng online or chat kesa sa pamamagitan ng mga kaibigan, kaopisina, ka-church, kaklase, or sa ilang salu-salo gaya ng birthday or reunion ang pagkakataon ng makakilala ng isang tao mula sa mga okasyong ito. Himayin natin!
Nitong mga huling pagkakataon sa aking buhay, mas naging madali para sa akin ang komonekta sa online channel, maging sa isang seryoso or hinde seryosong aspeto ng pagkikilanlan. Sa online kung di ka seryoso, pede kang magtago sa ibang personalidad. Minsan kaya mo itong gawin dahil nararamdaman mo ang kausap mo sa kabila ay hinde din naman tapat sa kanyang pakiki-ugnay sa iyo. Sa online pede ka din maging totoo pero mas maraming tao sa online ay hinde tunay ang hangarin. Mararamdaman mo din naman kasi may mga signals wika nga.
Pero bakit nga ba malakas ang pang-akit ng online connection kesa sa harapang usapan or pakikipagkilala? Iniisip ko ayon na din sa aking karanasan, marami pa din ang takot talaga na maging tapat at totoo sa kanilang hangarin sa isang tao sa aspeto ng harapang usapan. Sa aking karanasan, mas madaling kumausap ng isang estranghero at magsabi ng "HELLO" sa online channel dahil kung di ka man sagutin pabalik ay hinde mo ito pepersonalin. Ang dating nito sa iyo ay balewala lang unless gustong-gusto mo talaga yung kausap mo sa kabila pero hindi ka pinapansin. Ibang usapan na yon wika nga. Ganon kadalasan ang resulta ng pakikipag-usap sa online. Bibihira ang nakilala ko online at naging kaibigan ko sa katagalan. Mabibilang ko lang siguro sa aking daliri ang totoo at nanatiling tapat sa paglipas ng panahon.
Tinatanon mo naman ano na naman ang punto ko!? Well, naisip ko lang sana mas maraming tao ang matino sa online. Sayang ang teknolohiya ng online chatting, online dating kung mahigit sa 90 porsyento dito ay walang katuturan ang layunin! Ako man ay salarin dahil minsan hinde ako nagiging totoo sa mga kausap ko online bagkus ay nasa isip ko na panandalian lang naman ang lahat ng iyon kung kaya bakit ko naman kailangan magpakatotoo. Medyo personal na dahilan na din para sa akin, parang nawalan na din ako ng tiwala sa buong sistema ng online connection, mas malala pa nga ito sa sistema ng usual na socialization or yung harapang pakikisalamuha or sabihin na nating "offline" connection. Ang nanatiling totoo na lang sa aspeto ng online connection ay ang mga lumang kaibigan at kapamilya. Siguro sila na yung nasa 10 porsyento ng kabuuan ng mga totoo. Pero minsan din naman kaibigan mo na at kapamilya ay hinde pa din totoo sa iyo.
Siguro nga sa online maaari kang maging kahit sino, pede kang maging ibang tao. Kasi nga walang personal touch. Nawalan na ng puso wika nga. Nawalan na ng totoong kabuluhan sabi nga. Sa online naging napakadali ng bawat salita, gawa at emosyon na pinapakita natin sa ating kausap, maging silang matagal ng kakilala or bago pa lamang. Iyan ang naging downside ng online connection. Sabi ko nga nawalan na ng sariling haplos!
Naku ewan ko kung naiintindihan niyo ang point ko. Pero kung marunong kang magbasa at mag-isip alam mo may punto ako sa maikling panulat na 'to. Yun na! Nandito na ang aking inaantok na diwa. Matutulog na muna ako. Mag-isip ka muna ayon sa sanaysay na 'to, oks!?
!$#!$!%!$$^!%!#$!##!$!$% MAKE SENSE NA?!
Friday, February 13, 2009
SERYENG TAGALOG: Makapagbilang nga ng biyaya msbuti pa!
Nitong mga huling araw ay talagang dama ko ang lupet ng buhay! Sa madaling salita, parang wala atang magandang nangyayari sa akin sa lahat ng aspeto. Parang nawala sa lugar ang hilera ng bituin at planeta sa kalawakan. Nawalan din ako ng gana at parang hinihila ko ang sarili ko.
Subalit wala naman akong papatunguhan kong pipilitin kong isubsob ang sarili ko sa kalungkutan, kawalan ng pag-asa at patuloy na pag-iisip ng pangamba sa kinabukasan. Parang isang saglit nakalimutan ko kung paano mabuhay sa ngayon at magbilang at isiping maganda ang buhay sa kabila ng lahat.
Sa puntong ito, nagtatapos na naman ang isang linggo nais kong ibahin hanggang sa abot ng aking kapangyarihan ang takbo ng mga susunod pang mga araw. Bilang pasimula ay bibilangin ko ang ilang magandang bagay sa akin nitong huling mga araw:
- unti-unting natatapos ang naging problema namin sa project ko, nakakapagod pero marami pa ding natapos. Sabi nga eh, ang mahalaga umaksyon kami kaagad sa problema.
- sa kabila ng "pressure" na hatid ng mga isyu sa opisina ay marami pa din akong nagawa, at nagagawa kong isalin ang "pressure" para mas maging matalas sa pakikipag-usap sa mga katrabaho kong pasaway. Sa madaling salita, medyo nadagdagan ang pagka-prangka ko sa kung anong gusto kong gawin ng mga tao ko para matapos ang dapat gawin. Nais kong isipin, parang sa isang nasugatan medyo tumatapang ako dahil sa sakit.
- ang pagkakaibigan hatid ng isa sa FAB 4. Pinadalhan nya ako ng mga lumang larawan ng aming barkada. Sapat na para maisip ko kung gaano na kami hinulma ng pagkakataon at magpahanggang ngayon kahit malayo kami sa isa't-isa ay patuloy pa din ang pagkakaibigan.
- ang nakakatuwang istorya ng pelikulang "He's just not that into you" ay sapat na para makalimutan ko kahit sandali ang aking alalahanin.
- ang closing out sale ng Circuit City. OO ang isa sa pinakamalakeng tindahan ng mga appliances, computer atbp ay magsasara na dahil sa krisis sa ekonomiya. Subalit dahil nag-uubos sila ng mga paninda ay mga nabili akong ilang kagamitan sa murang halaga.
- ang relaxing na paligid ng Barnes and Nobles Bookseller. Kung saan ay tumambay ako kamakailan para magbasa ng mga aklat at magasin. Nakakatanggal din ng pagod kung minsan kapag ang binabasa mo ay hinde konektado sa trabaho, or problema na hinaharap mo. Ika nga ay maiba naman.
- ang aking Valentine playlist na hinango ko pa sa internet isa-isa. Ang bawat titulo ng kanta ay rekomendado sa isang magasin na aking nabasa kamakailan lamang. Kakaibang valentine playlist for me kasi bihira naman ako makinig ng ganong klaseng tema or genre. Kakaiba nga, may sariwang dulot sa aking diwa.
- ang pagsapit ng Biyernes, hudyat na tapos na ang isang linggo sa trabaho at kahit paano ang darating na Sabado at Linggo ay araw ng pagtitimawa sa bahay, paglilibot sa Miami at ilang kalapit lugar dito sa Timog Florida.
- ang dalawang araw na magkasunod na pagkain ko sa Olive Gardens, sa On the Border at ang pagkain namin ng murang hotdog, pizza at churro sa COSCO. Kapag malungkot ka, kumain ka lang at kahit paano sasaya naman ang buhay, busog ka pa! Saan ka pa di ba?!
Ayan...kung iisipin hinde na masama dahil may mga kaaya-aya pa ding aspeto ang mga bagay na nangyari at nagawa ko. Sa bandang huli, ang mahalaga ay hinarap ko isa-isa ang mga bagay na 'to at nagdulot sa akin ng kahit saglit na tuwa. Naghatid ng panandaliang pagkalimot sa ilang mga concerns ko.
Epektibo nga talaga na minsan ay magbilang tayo ng mga magagandang bagay na nangyari sa atin para makita mo na makulay pa din ang buhay sa kabila ng mga di kaaya-ayang bagay sa iyo at sa paligid.
Ang punto ko, kung kaya natin lagi sana ay makitaan natin ng liwanag ang bawat hibla ng buhay natin. Magbilang tayo ng biyaya maging sa pinakapangit na pagkakataon!
Sunday, February 08, 2009
SERYENG TAGALONG: "Strangers online"
Kung minsan nakakahanap tayo ng sagot sa mga estrangherong nakikilala natin sa ating buhay. Mahiwaga ang buhay kung ating iisipin. Sa isang saglit nakakakuha tayo ng kaalaman mula sa ibang tao na wala naman direktang kinalaman sa atin.
Mula ng matutunan kong mag-tsat sa internet ay marami na akong naging kakilala mula sa mundo ng "Cyber". May mga gago, may mga matitino, may mga loko-loko, may mga nanatiling tapat at totoo. Iba-iba ang karakter ng mga bida sa mundo ng tsat. Kung iisipin nga, nagkakaroon tayo ng koneksyon sa kanila sa mga di inaasahang pagkakataon gaya ng personal na problema, mga paksang may kinalaman sa pag-ibig, sa buhay, sa trabaho, at sa kung anu-ano pang mga paksa ng buhay.
Mapalad ako at naging bahagi ako ng modernong teknolohiya ng internet, Malas din ako dahil sa teknolohiyang ito marahil ay nakuha ko ang ilang masasamang bagay na maari kong mahita sa aking buhay. Siguro ang nais kong sabihin, sa mundo ng "online" ang daming mabubuti pero may masasama ding dulot.
Sa puntong ito ng aking panulat, ang nais kong pagtuunan ng pansin ay ang pagkakaroon ko ng mga kaibigan dahil sa tsat, ang pagkakaroon ko ng kaalaman dahil sa mga impormasyong hatid ng mga pantas na walang humpay magbahagi ng kanilang nalalaman para makatulong sa kapwa. Maganda ding isipin na sa punto ng iyong buhay kung minsan kung saan ay sadlak ka na sa ibaba at subsob sa lupa ay makakakilala ka ng isang tao na magdudulot sa iyo ng suporta at di ka pagdadamutan ng kanyang munting kaalaman. Siguro dahil pareho ng nararamdaman at higit ka nyang mauunawaan. Salamat sa "internet" dahil nakilala ko ang isang taong maaring sagot sa kung anuman tanong at pangamba meron ako ngayon.
"Strangers online comes in suprising circumstances and packages."
Ang punto ko - mahiwaga nga ang buhay at misteryosong gumagalaw tayo sa ibabaw ng mundong ito nakakasalamuha ang mga tao na di man nating lubusang kakilala ay maaaring magbigay sa iyo ng kanyang nalalaman at natututunan sa buhay.
Friday, January 23, 2009
My heart wonders...
Last night while watching TV, a familiar ironic dialogue by a tv artist uttered these words, "Did your heart ever wanna ask something, but your head was afraid what that answer would be?"
Oh man, those words hit me! I just thought of someone, close to me, special. Why can't I have the guts to ask or the courage to say how am feeling!? At that point, my heart wonders if my silence or decision to hide this feeling is really worth it or not.
My heart wonders if you also feel the same affection, fondness and care that I have for you may sweet babe?! :)
Sunday, January 18, 2009
Life For Rent
I have always Dido for her voice is soothing. I have always some of her songs that conveys significance in some events of my life. One of her latest song "LIFE FOR RENT" struck me a bit 'cause it provided a good reflection of my life as I see it now.
I felt this song and if you can hear this now, you'll feel me as well at some point.