Friday, February 17, 2017

Walang pamagat na may katuturan

Inihahalintulad nya ang kanyang sarili sa dibuho ng isang larawan. Sa karangyaan ng isang pangarap na matuwid. Sa kagalingan ng isang hanay ng mayabong at matayog na paglipad ng mga ibon na naglalayag patungo kung saan ang lipad ng kanilang pangarap ay nahimpil.

Ngunit ang di nya nauunawaan ay ang lahat ng pangarap at pagsisikap ay walang katuturan , kung ang bunga nito ay nagdulot ng pighati sa kapwa at sa mundong kanyang iniikutan o ginagalawan.

Siya na may mataas na pagpupunyagi ay nabulag ng pagmamahal sa sarili ay mananaghili ng habambuhay sa lahat ng bagay na hindi nya hawak. Siya na magngangalit sa kawalan nya ng pag-ugnay sa anong tama dahil pinili nyang sundin ang paniniwalang pansirili. Ang anumang mapangahas na pagtawid ay nagdudulot din ng kapighatian. Sa pagiging uhaw nya sa katuturan at kabuhayang pinapangarap, nakalimutan na niyang ang pinakamatamis na pagkilala sa buhay na ito ay ang pagbibigay halaga sa simple at mabuti. Mga bagay na walang katumbas na halaga.