Friday, June 03, 2005

SERYENG TAGALOG : Kay Haiku730



Liwanag sa aking madilim na pananaw
Magiting na kabalyero ng aking buhay
Isang makisig na kasama
Tunay na sa akin ikaw ay mahalaga Mahal kita...

Tanglaw sa aking landas
Isang lakas na bumubuo sa aking nanghihinang diwa
Masarap kasama, mainit at nag-alab
Tunay na sa akin ikaw ay mahalaga Mahal kita...

Walang sinuman ang aangkin sa iyo sa akin
Labis na ako sa iyo'y nahumaling
Tapat kitang iibigin, iyong kalinga'y aking nanamnamin
Tunay na sa akin ikaw ay mahalaga Mahal kita...aking sinta!

No comments: