Thursday, June 24, 2004

Seryeng Tagalog (Tagalog Series)

MAHAL PA BA KITA



Ilang linggo na ang lumipas

Naiisip pa din kita

Nagsumpaan walang magbabago

Pero ano ba itong nangyari sa iyo



Ilang linggo na ang lumipas

Ninais ko nang maglayag papalayo sa iyo

Sinabi ko sa aking sarili

Di na kita muling iisipin pa



Ilang linggo na ang lumipas

Bigla kong naisip

Hindi kita magawang limutin

Anong epekto mo sa akin

Ako ngayon ay litung-lito



Maraming beses na akong nangahas

Maraming ulit na akong nagtangka

Ikaw ay iwanan at kalimutan

Pero laging ikaw pa din

Kawawang puso ko, nagdurusa



Mahal pa ba kita

Kaya ako ganito

Mahal pa ba kita

Kaya di ako matuto



Sinabi ko sa sarili

Maling ika'y mahalin

Pilitin ko mang magalit sa iyo

Hindi ko ikaw maiwaglit



Mahal pa ba kita...

Nais ko sanang isipin, hinde na

Nais ko sanang mangyari, huwag na

Mahal pa ba kita, ayoko na!!!

Gusto ko na ng iba!!!

No comments: