Sunday, November 09, 2008

Panaginip Kita: Series # 2 - Dream prophecy?

Nakita ko ang mga kaibigan ko sa isang panaginip isang linggo na nakakaraan. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras isulat ito. At dahil kahit paano parang isang mahiwagang pagtanaw sa kinabukasan ang panaginip na iyon, hanggang ngayon ay sariwa pa sa aking isipan ang mga nakita ko.

Sa isang pagkakataong hinde ko alam kung ilang taon mula ngayon ay nagkaroon kami ng maliit na pagsasalo-salo. Yun ang pinakatema ng panaginip.

Kung iisipin ko, nabuo ang grupo mga ilang apat na taon na nakaraan and it's really growing as the years go. Sa lahat ng nangyari at mga nangyayari pa masasabi kong walang ibang samahan ang mahalaga sa akin kundi sila lang. I guess for what it's worth, sila ang mga naging kasama ko sa halos mahigit 4 na taon and along with that they witnessed and we witnessed each other's lives.

PANAGINIP KO KAYO!

Sa isang bahay nagsimula ang pangitain ko. I think sa bahay ni Enzo naganap ang muling pagkikita namin. Sa panaginip nandun ako, si Enzo, si JM, Aries at parating daw si Phil at Jerome. Kwentuhan lang kami habang inaabangan ang dalawa. Catching up ang tema.

Weird sa panaginip ay di pa din close si Aries at JM after all those years. Pero civil sila.

Sa panaginip ay pinagkwentuhan namin ang mga bago at update sa isa't isa. Si Enzo ay abala sa pagmanage ng negosyo na iniwan ng mama nya. Naka graduate na siya pero ang karera nya ay di pokus sa natapos nyang kurso. Wala pa siyang partner sa panaginip ko. Pero maraming dene-date.

Si JM ay andun pa din sa dati nyang trabaho. Pero di siya makwento sa panaginip ko. Tsika lang ang style nya. Parang walang interes kung di makinig lang at makipagtawanan. One thing is that hinde nya nababanggit si JC so baka di na sila ilang taon mula ngayon.

Si Aries ay galing Australia sa mga panahon na yon. Wala si Raul sa eksena pero sila pa din sa tema ng panaginip ko. At kahit pano sa tagal na nya sa Australia, parang bigtime na sya. Actually busy pa siya sa panaginip kasi naman magkakasama na kami nagtratrabaho pa, Workaholic.

Habang nagkwekwentuhan daw kami ay naging topic namin sila Phil at Jerome. Si Phil ay nasa SG pa din. No mention kung sila pa din ng sweetie nya. Pero parang hinde na. Si Jerome ay single pa din daw. Workaholic din pero happy naman. Di pa din siya lumalabas sa family nya.

Wala si Excel sa reunion nasa SG pa din. Ang ibang miyembro ng FAB 4 ko ay wala din sa eksena ng panaginip pero napag-usapan namin ni JM and so base sa kwentuhan malaki na anak ni Shindie at si Pinky ay single pa din.

Si Jay ay wala sa Pilipinas, natuloy na ata sa abroad plans nya. Si Pilar ay bihira ko mabalitaan base sa panaginip ko pero oks naman sya. Si Docker nakapag-asawa na daw ng mayamang matandang madaling mamatay.

Si Kiko at PJ ay going strong, di sila nakapunta sa reunion kasi nasa abroad na sila. Pero nagkita daw kami bago ako umuwi sa Pinas. So ibig sabihin, sa panaginip ay galing din ako sa abroad. It wasn't clear kung galing ako sa US, Canada, or somewhere else.

Ako? Ano prophecy ko sa sarili ko? Syempre ayon single pa din. La na daw akong nakitang matino after ng mga ilang seryosong relasyon ko. Also, maayos naman ako sa panaginip ko, malusog, buhay pa, mukhang matino ang trabaho at simply taking each day at a time. Sa panaginip, di ko pa din sine-share sa kanila ang ilang updates sa akin. Pero oks naman ako.

Ilang points sa panaginip nakita ko pa ang ilang secondary member ng circle of friends ko. Actually nagulat ako to see them but we were all civil to meet and greet. Sila Jun, Archie, Franz were prominent. They were all surprise to see me kasi matagal na kaming di nagkikita. So it's kind of weird pero good weird.

Lumabas sandali si Enzo to buy stuff for the party. Si Aries nasa taas ng house ni Enzo nagwowork sandali while waiting for others to join. Si JM nasa sofa nanunuod ng tv. So ako lumabas din muna sa neighborhood. Ayun maganda yung place pero di ko alam kung saan yung neighborhood na yon na nakita ko sa panaginip ko. Am thinking now if it is the Nuvali community that I bought, or it's really the house of Enzo.

Talking about dream prophecy ha. What you think?

No comments: